Child Sexual Abuse in the Philippines

Child Sexual Abuse in the Philippines

LumalalangProblemang Child Sexual Abuse

Malala ang problema ng Pilipinas pagdating sa isyung child sexual abuse.  Nakababahalaang mga statistics na nagpapakita ng lumalagong bilang ng mga kaso nito sa bansa. Ayon sa report ng Center for Prevention and Treatment of Sexual Abuse (CPTSA), may naitalang 200,000 na kabataang Pilipino ang nakaranas ng pang-aabuso at pinakamadalas dito ay sexual abuse.  Ayon din sa pag-aaral ng DSWD o Department of  Social Welfare and Development, may 5,691 na kabataan ang nangangailan ng espesya na protection- 1,401 dito ay seksuwal na inabuso.

Pumapangalawaang Child sexual abuse sa mga pangkaraniwang kasong hinahawakan ng DSWD, napinangungunahan naman ng  abandoned o neglected children.  Sa mga kasong sexual abuse, rape ang pinakamadalas,at malaking porsyento nito ay kasong incest.  Sinundan naman ito ng mga kasong acts of lasciviousness. Mga batang babae ang madalas na mga nagiging biktima.

Marami naman na tayong napapanood na balita o mga dokumentaryo na tumalakay sa isyung child sexual abuse. Marami na din ang mga ginawang expose sa child trafficking kung saan ang mga bata ay ibinubugaw bilang mga child sex workers. Lumalaki din ang bilang ng gumagamit ng mga bata sa internet pornography. Kahirapan ang madalas na itinuturong dahilan kaya nagagamit ang mga bata sa larangang ito ng sex trade. Isa kasi ito sa pinakamadaling pagkuhanan ng kabuhayan.

Ngunit ang higit na nakababahala sa mga kasong sexual abuse ay sa kamay mismo ng mga magulang o mga kamag-anak nagmumula ang pang-aabuso.  Kung hindi man sa larangan ng sex trade o pambubugaw ng kanilang mga magulang, ang mismong magulang ang siyang nangaabuso sa sariling anak.

Hindi na lamang ito problema sa mga organisadong sindikato na nangbibiktima ng mga inosenteng paslit, kundi problema na ito mismo sa loob ng tahanan. Gaya ng ang naisiwalat ng mga pag-aaral na nabanggit kanina,mismong sa loob ng tahanan nagmumula ang panganib.

Tiyak na mas malalim na trauma ang kahaharapin ng mga batang biktima, dahil mismong kakilala nila at kasama nila sa bahay ang gumagawa ng pangaabuso.  Magkahalong takot, hiya at matinding confusion ang pagdaraanan ng isang batang na abuso.

Sa madalas na isyung incest, hindina factor dito ang kahirapan.  Maging sa mga pamily ang may kaya sa buhay o sa kahit anong antas ng pamumuhay ay marami ang ganitong kaso.  May hinalaang DSWD na marami pa ang mga na bibiktima sa loob mismo ng kanilang tahanan na hindi pa nairereport. Sadyang mahirap para sa mga biktima, lalo na sa isang mura ng edad na lumabas at magsumbong lalona’t ang salarin ay mismong magulang o ka anak.  Nananaig pa din dito ang matinding hiya na maaring idulot sa buong pamilya.

Sa usaping ito nangako naman ang ating gobyerno na mariing tututukan ang isyung ito at sisiguruhin ang proteksiyon ng mga kabataan at paiigtingin ang mga programang tutulong sa mga naging biktima.

Ngunit limitado lamang ang kayang gawin ng gobyerno sa isyung ito.  Mas malalim na usapin itong pagpapatibay sa pamilya.  Isyu na ito ng mga moral values at family relationships. Ang pagpapatibay ng moral fibre ng lipunan ay laging nagsisimula sa loob ng tahanan. At ang institusyong may mas malawak na mandato para sa pagpapatibay ng pamilya ay ang simbahan. Crucial ang role ng mga simbahan hindi lamang sa spiritual at moral formation ng bawat miyembro ng pamilya kundi sa larangan din ng restoration at recovery ng mga biktima. Patuloy itong hamon sa mga simbahan sa bansa. Nawa’y mas maging pro-active ang simbahan sa pagpapamulat sa kanyang mga miyembro sa lumalalang problemang ito na nag-uugat mismo sa loob ng pamilya. At sa pagpapamulat naiyan, nawa ay masundan din ng mga pagkilos tungo sa pagpapatibay sa pamilya.

Ang Opinyon ng Pilipino ay isinulat ni Emil Jon Soriano ng Pananaw Pinoy. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.

 

Author Description

Pananaw Pinoy

Ang "Pananaw-Pinoy" ay serye ng mga editoryal na naglalayong pulsuhan ang pangkaraniwang saloobin at pagtingin ng Pilipino sa ibat-ibang isyung panlipunan mula sa isang Kristiyanong pananaw. Napapakingan din sa http://febc.ph

  • http://twitter.com/pepper_ishyy Ish Cocjin

    Hindi biro ang truama na pinagdaraanan ng mga batang nakaranas ng sexual abuse. Bilang isang mag-aaral na nagsagawa ng internship sa isang foundation para sa mga sexually abused female adolescent, nakita ko kung paano naghihirap ang mga bata sa isyu ng trust, self-worth, fear, hatred at marami pang iba. Kahit ang kanilang cognitive/mental ability ay naaapektuhan. Kahit 3 years old na mga bata ay maaaring makaranas nito at dadalin nila ang masakit at madilim na karanasan hanggang sa pagtanda. Ang bilang ng mga batang aking nakasalamuha na nakaranas nito ay maaaring kapiraso pa lamang ng bilang ng mga batang hindi pa nasasagip mula sa pang-aabuso.